Panunuring Pampanitikan
BONIFACIO "Ang Supremo" Sta. Lucia Highschool #30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City BONIFACIO “Ang Supremo” Ni Atty. Vincent M. TaƱada Isang Suring-pampanitikan na iniharap Kay G. Danilo P. Agpaoa, LPT Bilang isa sa mga Pangangailangan sa Kursong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ipinasa ni: Heide Nathalie Gloria G11-STEM 4 Pebrero 2026 I. PANIMULA A. PAMAGAT Ang pamagat na BONIFACIO “Ang Supremo” ay malinaw na sumasalamin sa pangunahing paksa at mensahe ng dula, na nakatuon sa buhay, paninindigan, at pamumuno ni Andres Bonifacio bilang lider ng Katipunan. Ang paggamit ng pangalan na “Bonifacio” ay agad na nagbibigay-diin sa kanyang mahalagang papel sa kasaysayan bilang isang rebolusyonaryo at bayani ng bayan. Ipinapakita rin nito na ang dula ay hindi lamang tungkol sa rebolusyon, kundi sa personal na karanasan, sakripisyo, at mga pagsubok na hinarap ni Andres Bonifacio bilang i...